Bakit ganun?
Ang sakit… In fact, sobrang sakit…
Marahil nga palpak ako sa maraming bagay… But one thing I could take dignity in is my being a good friend. I have kept so many lasting friendships, and I guess that should somehow tell kung gaano ako magmahal ng kaibigan. Ang mga taong yun na nagmamahal sa akin would not stay this long kung hindi ako marunong mag-alaga ng friendship…
Pero bakit sa kanya iba? Wala na akong ginawang tama… Lahat ng ginawa ko mali… This used to be a joke… Pero ngayon ito na talaga ang nararamdaman ko… Actually dati pa, pero natitiis ko pa nun…
It pains to be unappreciated. Lalo na ng kaibigang mahal na mahal mo. Lalo na pag ginagawa mo na lahat, pero para sa kanya wala pa rin… At pag meron ka namang hindi nagawa, hinding hindi niya yun makakalimutan.
Bakit ganun?
Madalas rin akong masaktan (as in madalas), pero pinipilit kong umintindi. Masakit manahimik, pero ayokong ma-feel niya na may pagkukulang siya. Kahit sobrang nasasaktan ako, gusto ko pa rin masaya siya…
Bakit ganun?
Bakit yung mali lang yung nakikita at natatandaan niya?
Alam ko, masyado mataas ang standards niya sa mga bagay bagay… Kahit sa pagkakaibigan… And that’s settled: I was never good enough for him…
Weird lang… Kahit sobrang nagkakasakitan na kami, mahal na mahal ko pa rin siya… Nung naglalakad ako sa kahabaan ng Katipunan at dumudugo yung ilong ko at sobrang takot na takot ako, siya yung hinanap ko, Di ko nga naisip nanay ko nun e. Pero he didn’t even care. Pero OK lang sa akin. Nung birthday ko, siya lang yung binigyan ko ng THANK YOU note. Pero di man lang niya ko tinext nung araw na yun… Kahit gusto ko siya makasama nung special day kong yun, di rin nangyari kasi cold treatment ang binigay niya sa akin… 2am the day after my birthday humabol siya magtext, pero hindi para bumati, kundi para sabihin ang mga “kasalanan” ko sa kanya. Saya ng birthday ko noh?
Alam ko ngayon masyado ko (namin) siyang nasaktan… Pero sa totoo lang, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya sa mga pangyayari… Sana i-consider niya na sobra sobra rin niya akong nasasaktan ngayon (hindi lang siya!!!) Oo, naiintindihan ko na may “friendship pains” daw siya for so long na. Sana, I was the only person responsible for his “friendship pains” for 7 years para matanggap ko kung bakit siya ganun. Pero hindi e (kelan lang ba kami naging magkaibigan?).
Nami-miss ko siya… For me para ko siyang best friend, kahit alam kong hindi ako ganun sa kanya. Kahit marami akong di masabi sa kanya. Kahit nasasaktan niya ako palagi (at malamang ganun din naman ako sa kanya).Pero ngayon mukhang malabo na ang lahat… Kasi nga, I was never good enough for him…
Tanong ko pa rin: BAKIT GANUN???
now i know what it feels to have "friendship pains"... dahil sa kanya...
{alam ko, never ka naging interesado sa blog ko. if ever lang naman mabasa mo to: SORRY… malamang isumpa mo na ako niyan… naiimagine ko na nga ang mukha mo, at naririnig ko na ang “ang kapal ng mukha niya!” lines mo… kasi convinced ka na ikaw lang ang nasasaktan, at ako ay condemned mo na for not being the kind of friend you want me to be… pero sobrang sakit ang itago lang lahat at umiyak lang ng umiyak… What if? Try mo i-consider na sa buong mundo hindi lang ikaw ang taong nasasaktan? Try mo i-consider na nakakasakit ka rin… Wala lang, try mo lang naman… At sana hindi masama ang magsulat sa sarili kong blog.}